Mga minamahal kong mambabasa,


Ang lahat ng nilalaman ng blog na ito ay may halong katarantaduhan. Ang imahinasyon ko ay madalas lumalagpas ng higit sa limitasyong nilatag ng ating lipunang sagana sa kaimpokrituhan. Paminsan-minsan ay nahahaluan ko ng hindi maganda ang mga tinitipa ko sa keyboard. Ang pag-seryoso sa mga nakalagay na lathain sa blog na ito ay isang malaking kahangalan.

Nais ko sanang ipahatid sa inyo ang isang warning. Huwag ninyo sanang damdamin kung mayroon man akong naisulat dito na hindi maganda sa inyong panlasa. Mahilig akong mang-asar ngunit iniiwasan ko ring maging dahilan ng inyong heart attack. Mag-iingat po tayo sa pagbabasa sa blog na ito.

Bukas ang aking mga comment sections para sa inyong mga negative criticism. Tanggap ko rin kung makakatanggap ako ng mga pag'mumura at pang-bubuska. Punta lang kayo dun sa The Frustration Room ng blog na ito para duon kayo magwala, or mag-spam, or mag-troll. However, huwag ninyo sanang asahan na babawiin ko ang anumang ideas na na-ipublish ko na, dahil lamang sa hindi natin pagkakaunawaan. Hindi ako isang office employee na pwedeng hainan ng memo at asahang mag-so'sorry within 48 hours.

Most of the photos na isinisingit ko sa mga posting ko ay kuha ko lamang sa mahiwagang baul ni Manong Google. Kung mayroon man kayong pag-aari na aking nakuha at sa tingin ninyo ay magiging dahilan para mag-lumpasay kayo sa madumi ninyong sahig na animoy natalo sa sakla, maaari ninyong ipagbigay-alam sa akin through the comments section at bukas-zipper kong aalisin, no questions asked.

Nawa'y maging masaya ang pag-bisita ninyo sa munting espasyong ito na nahiram ko lang ng libre sa blogspot.


Nagmamahal,

Zhurutang XOXOooxX