Bakit kailangan ng moral story ng isang kwento? Bakit kailangang lagi na lang nananalo ang mabuti sa masama? Bakit sa tuwing maaksyon na ang isang tema ay biglang eepal si kabutihan at maghahasik ng ka-kornihan? Hindi ba kayo na-iirita sa ganuong sitwasyon? Talaga bang hindi matatapos ang isang nobela kung walang happy ending?
Filipinos talaga!
Kaya minsan, ayaw kong tumangkilik ng anumang gawa ng Filipino. Para kasi sa akin, nasa dugo na natin ang pagiging cheesy. Nasa idelohiya na natin na kung gagawa tayo ng isang akda- kailangan may masayang parte sa wakas. Parang sa palagay natin ay magkaloko-loko man tayo ay magiging perpekto rin ang lahat sa huli.
Ipagpaumanhin niyo. Hindi ako galit sa mundo. Hindi ako bitter na nilalang. Nagkataon lang na bumili ako ng isang libro via internet. Nagustuhan ko ang nasabing aklat dahil sa maangas na book cover. Nawala sa utak ko ang sinabi ng sikat na maxim: "Dont Judge a Book by its Cover".

Blood for Blood (Pangayaw: The Right to Kill). Title pa lang, katatakutan mo na. Pati yung book cover- state of the art din. Sinulat ni Pio Gabad Arce, isang misyonerong kasalukuyang nakadestino sa Mindanao.
Naenggayo akong bilhin kasi naradaman ko ang aura ng libro kahit sa monitor lang. Agad akong nag-sign in sa aking National Bookstore Online Account (gamit ang aking unlimited 24/7 internet connection na may average bandwidth rating na 14Mbps; walang flactuation) at ni-click ang Buy Now button. After ng 3 days, nai-deliver sa bahay ko ang munting aklat. Sinipat ko agad. Kinapa ang semi-3d na cover. Binasa ang mga ads sa likod. Pati ang price tag, tinitigan ko rin. May nagsabi na masarap daw amuyin ang libro kaya inamoy ko na rin. Hmmmm.... Amoy kotse. Seryoso- amoy kotse, yung amoy ng interyor na kaaalis lang ng plastic. Ganyan ako ka-exited kapag may bago akong libro.
Walang ga-patak na sandali ang aking sinayang. Agad kong hinubad ang plastic na panakip. Hindi na ako nagpalit pa ng kalkunsilyo. Deretso na ako sa higaan, kinuha ang Jergens lotion at nag-umpisa nang magbasa.
Unang bahagi ng libro- namangha ang inyong lingkod sa vividness ng mga salita. Ramdam na ramdam ko ang kanyang violence at vehemence. Pati ang itsura ng mga characters ay madali kong nai-relay sa aking imagination. Ang setting ay sa Gumitan sa Davao del Sur. Never pa akong nagtungo dun pero dahil sa husay ng wordplay ng mga adjectives ay nalaman ko kung gaano ka-poor ang lugar na yun.
Ang bida sa story- si Buaya. Isang batang nagmula sa Manobo Tribe na maagang namulat sa mundo ng paghihiganti. Naulila sa murang edad, lumaking dala ang poot sa dibdib kasabay ang pangakong hindi titigil hanggat hindi napapatay ang pamilyang kumitil sa buhay ng mahal na mga magulang.
Bayolente ang nobela. Magmula sa simpleng pag-sampal sa babaeng umiiyak bago reypin ito ng patuwad, hanggang pag-taga ng itak sa leeg habang hinahabol sa putikan ay nasa nasabing aklat. Lubos kong nagustuhan ang libro dahil sa likas kong hilig sa barbaric themes. Tapos, sa kalagitnaan ng libro bilang papasok sa eksena ang NPAs at ang Phillipine Army. Isipin niyo na lang ang gulong inabot ng mga karater sa kwento sa pakikipagbuno nila sa araw-araw na lumipas na sila'y humihinga pa.
Then...
Sa gitna ng madugong patayan at siraan ng kinabukasan- biglang papasok si buwisit na good guy para ayusin ang lahat at ibalik ang kapayapaan. Zhurutang went WTF on that part. Then comes the stupid ending. Yes, you got it right: everyone lived happily ever after.
Nung natapos kong basahin ang libro, napa-isip ako ng malalim. Bakit? Bakit biglang ganuon ang kinalabasan? Sobrang intense and lahat tapos biglang bagsak sa ka-cheesyhan. Corny thing to do on a book with such beastial and vicious title. Well, the section which introduces the author tells it all: he's a Christian. I see.
"This is not a story about heroes. This is a story about peace" -Pio Gabad Arce.
"K" -Me
So, anong rating ang ibibigay ko dito? In fairness kay Mr. Arce, nawili ako sa unang bahagi ng libro so i'll give his creation 5 stars out of 10. The book cover art + the violence + semi bed scene alone could give him a 9 but the stupid ending takes the whole happiness down to shitness with it.
I recommend this one to people who watches telenovelas shown on ABS CBN and GMA 7.
Sa tingin ko kaya nauuso sa atIn yang happy ending dahil na din sa tunay na buhay marahil ay di ganyan. Pambalanse baga.
ReplyDeleteAyus ah, at sinubukan mo na din amuyin ang libro. Saka anu ginawa mo sa lotion? Lolz.
Ngaps, bilang may internet ka 24/7 ikaw na... At sa tingin ko ikaw talaga ang magaling sa ganitong mga bagay bagay dahil madalas ko mabasa comment mo sa haymen. May proposal ako, gawa tayo ng blog. Imessage mo ko sa ym widget ko sa blog ko para details kung interesado ka.
in-add kita sa yahoo mo. sabihin ko sa'yo yung details.
ReplyDeletepareho pala tayo. inaamoy ko rin talaga yung book na bagong bili. parang adik lang. mabango di ba? hehe.
ReplyDeleteanyways, ayaw mo pala ng ng cheesy endings slash happy endings. pde mo idonate sa akin mga books mo na ayaw mo. hahaha. lol. for me, oks lang mga happy endings sa book. feel-good story ang tema. nabo-bother ako kapag tragedy yung ending. di ako makakatulog sa gabi kakaisip sa sinapit ng kwento. hahaha pero yung mga telenovela shit sa tv ang sumosobra na sa kakesohan sa tingin ko. sobrang oa sila. kaya hindi na ako nanonood.
moreover, parang naiimagine ko yung semi-sex scene mo na yan. may mga nababasa din akong ganyan ee. hehe.
cguro nanawa k n din sa mga paulit ulit na plot ng stories kaya ur looking for something...
ReplyDeletehndi ko din maxadong maappreciate ang mga Philippine movies/ telenovelas etc...pasikot sikot lang...
Pero can you say that it's a good book? Kasi kahapon lang ng hinahanap ko ang "Lalaki sa Dilim" ay nakita ko itong book na ito. It looks interesting kaya naiisip kong ito ang librong susunod kong bibilhin. I also saw at the back a comment of Mr. Gary Valenciano. Tama ba? I was just scanning it eh.
ReplyDeleteSame here. I have the habit of smelling books kapag bagong bili. XD I'm excited. I even brush the pages over and over again before i start reading. :D
sir zhuru, bakit po ako? ano po nagawa kong masama?? wag pooo. hehe lol
ReplyDeletedumalaw lang. tagal kasi mag-update. hehe. (demanding?)
I love this story so much..
ReplyDeleteang ganda ng pagkasulat at marami kang nmatutunan lalo na sa iba't ibang tribu.