Pheromones on the Highest Level



ABSTRACT

Dala ng pagkabagot at pagkaburyong sa trabaho ay naitanong ko sa aking sarili: - "Totoo ba na ang pawis na nagmumula sa bayag ng lalake ay may mataas na concentration ng pheromones? Ngunit bago ako tumuloy, hayaan niyo muna akong ipakilala kung ano itong phermomones na aking tinutukoy. Ayon sa urban dictionary.com: Pheromones - "A chemical substance which causes a sexual response in others of the same species. Human pheromones are well known, and cause sexual attraction in women or men." Nuong maliit pa lamang ako, natutunan ko sa school na ang pheromones ay pang-hayop lamang. Nang ako'y lumaki, napagtanto na tayong mga tao ay likas na mayroon din pala nito.


PROBLEM

Totoo ba na ang pawis na nagmumula sa bayag ng lalake ay may mataas na concentration ng pheromones?


PURPOSE OF THE EXPERIMENT

To ease the pain of every man on hooking up on a woman. Isipin ninyo na lang kung maging matagumpay ang experiment na ito, magtatayo ang gobyerno ng kumpanya na magma-manufacture ng pabangong hahaluan ng pawis ng bayag. Ang perfume na ito ay gagamitin para madaling makaakit ng babae. Maraming itatayong kumpanya, maraming trabaho. Maraming trabaho means gaganda ang ekonomiya.


BACKGROUND RESEARCH

Futher research over the internet gave me the idea na maliban sa leeg at kilikili na may mataas na concentration ng pheromones sa tao, may posibilidad din daw na mayroon nito sa bayag. Hindi lang masabi ng science and health kung gaano ito kabagsik. Hayaan ninyong ialay ko sa inyo ang munting eksperimento that i have conducted this morning.


HYPOTHESIS

Sa aking pakiramdam, merong taglay na pheromones ang pawis na dulot ng nag-iinit na itlog or, sa mala-siyensyang termino- our balls secrete pheromones as much as we secrete our man juice. Naisip ko ito dahil bukod sa ang bayag ay pawisin, dito rin nabubuo ang ating semilya, isang mahalagang sangkap sa larangan ng sex.


MATERIALS

1. Tissue paper na itinupi ng makatatlong ulit. Para makatipid sa pagta-type ay tatawagin natin itong Ladymagnet
2. Brip na medyo masikip


ACTUAL EXPERIMENT

After na mag-shower ako kaninang umaga para pumasok sa trabaho, siniguro ko na tuyong-tuyo ang aking katawan. Hindi ako naglagay ng deodorant gaya ng nakagawian ko. Maari kasing makaapekto ang deodeorant sa eksperimento. Inihanda ko na ang Ladymagnet. Nagsuot ako ng brip na masikip. Sinigurado kong masikp ito para hindi mawala sa ayos si ladymagnet. Isinuksok ko ang ladymagnet sa ilalim ng aking itlog. Inayos ko ang brip ko na hindi malalaglag o malilihis ang ladymagnet sa ilalim ng bayag ko. Siniguro ko rin na lahat ng pawis ng itlog ay maa-absorb lahat ng ladymagnet. Nagbihis na ako't nagsimula nang bumiyahe papasok ng trabaho.

Mainit ang biyahe. Kumukunsumo ako ng 1 hour sa jeep, 30 minutes sa LRT, at 15 minutes na lakaran. Dagdag pa ang init ng panahon, nakarating ako sa trabaho ko na ramdam ko na si ladymagnet ay soaking wet. Pasado alas-9 ng umaga, nasa trabaho na ako. Bago ako magsimulang magtrabaho ay tumungo muna ako sa banyo. Nag-ayos ako ng sarili- hilamos, suklay ng buhok at mumog. Finale, dinukot ko ang ladymagnet sa loob ng aking brip. Hindi nga ako nagkamali- puno ito ng pawis ng itlog. May mga munting pubic hairs pang sumama. Hindi ko na sinubukang amuyin kung ano ang amoy nito. Piniga ko lang ito at idinampi sa aking leeg. Tama po ang nabasa niyo- ginawa kong mini perfume ang katas ng ladymagnet. 3 dampi sa kanang leeg at 3 dampi sa kaliwang leeg. Hindi ko na ibinalik ang ladymagnet sa loob ng aking brip, bagkus, itinapon ko na ito.


OBSERVATION AND ANALYZATION

Nagsimula ako ng trabaho na taglay ang aroma ng ladymagnet sa aking leeg. Parang normal lang ang unang kalahating minuto ng eksperimento. Malamang ay dahil sa wala pang gaanong girls sa paligid. Another 30 minutes, napatunayan ko na ang resulta. Isang grupo ng babae ang aking customers, mga estudyante. Nakatatamad i-elaborate kung ano ang aking trabaho pero masasabi ko na mas naging malapit ang mga customers kong babae kesa nuon. Normally, 2 minutes lang ang itinatagal ng isang kliyente dahil may mga pasok sila sa school. May summer classes sa school na malapit sa amin at yung iba tri-semestral pa. Napansin ko na mas naging matagal ang itinatagal nila sa akin. Nakikipagkwentuhan na sila ngayon. Kung dati, pagkatapos ng transaksyon ay umaalis na sila, ngayo'y nag'te-thank you na sila't nag-baba-bye. Amazing! May isa pang babae akong napansin na tumitig sa akin ng lampas ang tagal sa "normal". Ang layo niya sa akin kung titingnan ay mga 1 dipa. Nakipagtitigan din ako sa kanya habang hinihintay matapos ang transaksyon namin. Maniwala kayo sa hindi at lumapit siya sa akin at sa tabi ko siya naghintay.

Maging sa kapwa ko empleyado ay sinubukan ko ito. May isang co-employee akong lalake na nagsabing mabaho daw ako- na ikinatawa ko naman. Isang lady co-employee naman ang nahuli ko ring nakatitig sa akin. Ito pa: kumikiwal-kiwal ang legs niya. isang kakilala din ang sinubukan ko pero mas mataas na level. Kinausap ko siya ukol sa isang bagay sa trabaho. Sinigurado kong mas malapit ang distansya ko sa kanya. Habang naguusap kami ay inihaplos ko ang kamay ko sa braso niya. Nakakagulat dahil hindi niya inalis ang kamay ko sa kanya. Bagkus nakangiti lang siya't nakikinig. Normally, kapag ginagawa ko sa kanya yun, hinahampas ako nun. tipong naaalibadbaran ba.

Tanghalian, around 12:30pm, sinubukan kong iaplay ang experiment sa labas. Lumapit ako sa tindera ng karinderya at sinubukan kong landiin siya sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan habang ipinupungay ko ang mata ko. Wala siyang reaksyon. Sa aking palagay, wala na ang epekto ni ladymagnet or dahil sa halo halo na ang amoy ng mga ulam sa karinderya.


CONCLUSION

I therefore conclude that meroong taglay na pheromones ang pawis na nagmumula sa ating itlog. Hindi ko lang masabi kung gaano ito katindi. Hindi ko rin masasabi kung gaano katagal ang bisa nito at kung gaano kalayo ang kanyang AOE (area of effect). Maaari kasing naging overconfident lang ako sa pakikisalamuha sa mga kababaihan dahil alam ko (psychologically) na may taglay akong "pang-akit" na nakapalibot sa aking leeg. May malaking epekto din ang mga sumusunod sa pagsukat ng bisa ng pawising itlog:

1. amount ng idinamping katas ng ladymagnet sa leeg
2. lugar na pinagdampian nito
3. amoy ng paligid
4. klima sa isang specific na lugar


Hindi ko masasabing success ang experiment na ito, hindi ko rin masasabing failure. May mga katanungan ang hindi nasagot. Marahil sa kakulangan ng sapat na atensyon sa pagsasasagawa ng experiment. Hindi ko na binabalak gawin uli ito dahil nakaka-alibadbad maglakad ng may tissue sa loob ng brip. Ganunpaman, may laya kayo para gampanan ang naiwan kong task. Maaari rin ninyong subukang maglagay ng tinuping tissue sa brip at ipunas ito sa leeg. Malay natin, kayo din ang makasasagot sa mga tanong na naiwan ko. Isipin niyo na lang, ang pawis ng itlog niyo ang maaaring makasagip sa palubog na Ekonomiya ng Pilipinas.



-----------------------------------------------------------------------------


(Ang scientific study na ito ay una kong nai-lathala para sa ikauunlad ng pag-aaral ng medisina at ekonomiya nuon pang April 21, 2010. Ipinost ko lang uli para sa pakontes ni Ginoong gillboard.)

5 comments:

  1. PutaNgena natawa ako dito ah, napaka scientific ng experiment mo. Pwede mo bang lagyan yung bayag ko ng lady magnet tapos punas mo sa leeg mo try mo lang kung effective nga, syempre kelangan mo ng ibang sample diba... LOL

    ReplyDelete
  2. Hindi, try mo lang bilis! LOL

    I like this blog dahil dyan lalagay na kita sa blog roll ko. Sisikat ang blog mo I'm sure lalo na kung parati kang nag uupdate LOL

    ReplyDelete
  3. sa aking palagay, madyadong vague ang experiment mo. kulang ang mga facts na sumusuporta sa iyong hypothesis. lol. joke. hehe

    ReplyDelete
  4. wasak na wasak! mag-iipon ako ng isang timbang pawis mula sa itlog ko sabay ipapaligo ko ito.

    ReplyDelete
  5. hindi ko alam kung ano ang masasabi ko sa eksperimento mo, pero natawa ako.

    good job?

    salamat pala sa pagsali sa munting pakulo ko. :D

    ReplyDelete